{"id":121,"date":"2017-01-08T12:52:47","date_gmt":"2017-01-08T11:52:47","guid":{"rendered":"http:\/\/www.servus-pinoy.at\/?p=121"},"modified":"2017-07-25T17:38:22","modified_gmt":"2017-07-25T16:38:22","slug":"ang-paanyaya-at-ang-aking-hintuturo","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/www.servus-pinoy.at\/?p=121","title":{"rendered":"Ang Paanyaya at ang Aking Hintuturo"},"content":{"rendered":"<h3>Ni Mang Omeng<\/h3>\n<p>Minsan ako ay nagkasakit, matinding ubo at sipon. Mga sakit na laganap tuwing patapos na ang taglamig. Wala ng niyebre, malamig na hangin na may kasamang ulan ang sumasagi sa aking mukha tuwing ako\u2019y lumalabas ng bahay \u2013 makalanghap man lamang ng sariwang hangin at sakaling maaliw din kahit papaano gawa ng aking pagkabagot sa buong maghapong nasa kama.<\/p>\n<p>Sa aking pagmumuni-muni habang nagpapagaling ay nakita ko ang isang plastik na supot na baga man ay may-kalumaan na ay hindi pa naman marupok. Ito ay aking binuksan at tumambad sa akin ang mga lumang paanyaya, \u201cYou Are Invited\u201d ang bungad ng halos lahat ng nilalaman ng sobre. Paanyaya sa binyag ng anak ng mga bagong kakilala, at kung minsan ay kasama na rin ang paki: \u201cPwede ka bang mag-Ninong?\u201c Ganun din sa kasal- kasal ng mga dito na lamang sa Austria nagkakilala, mga penpals, o matagal ng magkarelasyon na sa Pilipinas.<\/p>\n<p>Maliban sa aking asawa at hipag, wala akong kamag-anak o kakilala sa Austria noon, mahigit ng dalawampung taon na ang nakakaraan.<\/p>\n<p>Ilang buwan lang ang dumaan at ang paanyaya ay parang tubig na dumadaloy sa alulod- minsan buhos, minsan patak. Paanyaya sa birthday ng anak- \u201cIsang taon na Pare ang inaanak mo.\u201d Di naglaon&#8230; \u201cPitong taon na Pare ko.\u201d<\/p>\n<p>Kung ang paanyaya ay parang tubig, ang panahon naman ay parang ilog, aagos hangang matapos. Ang paanyaya ay bahagi lamang ng agos ng panahon, paalala ng pagpapasalamat sa bawat yugto ng buhay.<\/p>\n<p>Kadalasan ang mga handa noon ay sa mga bahay lamang ginaganap, lalu na\u2019t medyo nagtitipid o isip-praktikal. Ang mga iba naman ay sa restaurant, kung may ipon o gusto lang talagang magpabongga. Bihira ang catering noon.<\/p>\n<p>Sa mga handaang ito ay natuto ang karamihang magluto. Nakakahiya o nakakaumay naman kung ang timpla ay puro na lang adobo o ginisa. Hindi naman lahat ay pwedeng lagyan ng patis o bagoong. Yung iba ay nagpupumilit pa rin na ang luto ay lasang lutong-bahay pa rin. Maski adobo ay kailangan ng sukang-paombong o sukang-Iloko. Bihira pa noon ang mga nagtitinda nito, kaya natuto na ring gumamit ng <em>apfel essig<\/em> <em>(sukang-mansanas<\/em>).<\/p>\n<p>Karamihan pa noon ay payat ang pangangatawan. Ngayon ay nagsipaglakihan na, maliban sa mga talagang balingkinitan na kahit anong ipakain mo ay payat pa rin.<\/p>\n<p>Sa ikot ng panahon, ang mga paanyaya ay naiba- kasal ng mga anak, binyag o kumpil ng mga apo, at kung may pera o ipon, o kahit na wala, debut sa ika-18-taong kaarawan ng bunso. Nariyan na rin ang paanyaya para sa ika-25, ika-30 anibersaryo ng kasal. Kalakip sa mga imbitasyon kung minsan ay ang litrato at makikitang noon ang may gayak ay bata pa, payat, at marami pang buhok. Hotel o mga bulwagan ang kadalasang lugal ng handaan.<\/p>\n<p>Kay bilis nga naman ng panahon at ang mga paanyaya ay naiiiba na rin. May tumawag sa akin at nagpaalala ng paanyaya nang ganito: \u201ePare, huwag mong kalimutan sa Linggo isang taon na ang kumpare mo.\u201c<\/p>\n<p>Tumingin ako sa aking hintuturo. Ito ay aking nilukot at nagpaalala noong ako\u2019y nasa sinapupunan ng aking ina, nakalukot. Dahan-dahan kong inunat ang aking daliri na para bagang batang gumagapang, at maya-maya\u2019y tuwid na\u2026 Mama na.<br \/>\nKusa kong ibinalik ang aking hintuturo mula sa tuwid na parang kandilang nakatirik na ayos at unti-unti kong nilukot\u2026 ganyan ang buhay\u2026kusang babalik, nag-iiba sa bawat yugto. Gayun din ang uri ng paanyaya.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Ni Mang Omeng Minsan ako ay nagkasakit, matinding ubo at sipon. Mga sakit na laganap tuwing patapos na ang taglamig. Wala ng niyebre, malamig na&#8230;<\/p>\n","protected":false},"author":5,"featured_media":339,"comment_status":"closed","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"footnotes":""},"categories":[24],"tags":[],"class_list":["post-121","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-leben"],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.servus-pinoy.at\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/121","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.servus-pinoy.at\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.servus-pinoy.at\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.servus-pinoy.at\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/users\/5"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.servus-pinoy.at\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcomments&post=121"}],"version-history":[{"count":12,"href":"https:\/\/www.servus-pinoy.at\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/121\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":396,"href":"https:\/\/www.servus-pinoy.at\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/posts\/121\/revisions\/396"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.servus-pinoy.at\/index.php?rest_route=\/wp\/v2\/media\/339"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.servus-pinoy.at\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fmedia&parent=121"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.servus-pinoy.at\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Fcategories&post=121"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/www.servus-pinoy.at\/index.php?rest_route=%2Fwp%2Fv2%2Ftags&post=121"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}