Umagang kay ganda

Nebel auf der Strasse

Ikasampu ng umaga, patungo ako noon sa lalawigan ng Linz. Napadaan ako sa lugar ng Mayerling. Dito nakita ko ang makapal na hamog bagamat ikasampu na ng umaga. Mapagmamasdan mong nakikipaglaban ang sikat ng araw sa mga hamog, ganun din ang mga nagmamaneho ng sasakyang halos hindi na makita ang daan. Subalit dito sa Mayerling halos nakasilip ang araw. Dali-dali akong huminto upang kunan ang napakagandang tanawin. Ang bawat lagutok ng kamera at larawang nakukunan ay nagdulot sa akin ng lubos na kaligayahan.


Randy Ilagan
Photographer, Vienna Austria

„Isang tagapaglingkod na pinakalooban ng talento upang ipamalas na mahalin ang Diyos nang higit sa lahat at igalang at ingatan ang Kanyang nilikha“

Unterwegs…

Feedback erwünscht!